Medyo nagpuyos ang aking damdamin nung nabasa ko akong thread na ito
Peyupi Cleanup - Read This
Before anything else, I want everyone to remember that I have no intention of reopening this site if not for people who still cares for it. This site was recreated for people who still need a PUPian community website where they can hang out. This is a RECREATION of Peyupi and not just new version of the old one.
Okay, so here's my house cleaning plan for this month:
Members that need to be deleted:
1. Who still clings on the old versions of peyupi. I worked hard for this new site and I'm insulted of hearing ungratefulness. I suggest you back up all your files here and create a site where you can have those things you can not appreciate on my website. I'm sorry I'm just so tired of this.
2. Who mocks the few house rules I have for this website.
Threads that need to be closed for discussion:
1. Not discussing anything at all
2. That demoralizes people of this new version
Taena wala kang kwentang Admin. After nung ginawa mo sa site nung nagkagulo dahil din sa kagagawan mo at dahil sa babae mo? Dinamay mo pa ako nun, sinabihan ng masasakit na salita. You denied our friendship. Dahil lang sa pagiging egoistic at immature mo, isama mo pa na makasarili ka,[s] ayaw mo ishare yung mga babae mo[/s]
Binalewala mo lahat, as in lahat, ng ginawa ng mga members para sa kabutihan ng site. Yung dedications ng moderators sa task na binigay mo sa kanila. Dami naming ginawa para mapabuti ang forums at magkaroong ng bonding ang members ng community. Pero in just a snap, you egoistic fool destroyed it.
Sinara mo ang site, dahil takot ka sa multong ginawa mo. Binuksan mo ulit at nilabas ang isang blog type community. Umani ito ng sobrang batikos. Dahil napakapanget! Sinara mo ulit nung di mo nakayanan ang batikos. Na dati ang sabi mo ayaw mo mag ban via IP pero anong ginawa mo sa akin? IP ko mismo ang hindi makapasok. Anong kabaliwan ang pumasok sa isip mo nun? Takot ka kasi mas kilala ako kesa sa iyo? Na mas kinakatakutan ang kulay green na forum admin kesa sa kulay pula na site admin?
Binuksan mo ulit ito, gamit ang ning.com, ang ginawa mo lang eh nag mirror ng url. Anong sinasabi mong pinaghirapan mo. Tapos yung mga gusto mong burahin ay mga members na nag rereminisce lang ng lumang version. What in the hell is wrong with you?! Binura mo yung thread na ginawa ng member na yun. Tapos balak mo maglinis ng site by eliminating those members? Tanga ka! Sobrang tanga mo! Sinisira mo ang kredibilidad ng komunidad! Palitan mo ang advisers mo kung meron man. Kung may pera lang ako binili ko na yung lumang version eh. PAK!
And for that I leave your network and dito na lang ako sa mga katagpo ko
Wala akong magawa this past few days, three straight days ng nagkakape.. well almost well yes 3 straight days nga..
Nagninilay nilay.. Nagpapaka windang sa mga forums at sa online gaming site.. Found a new home.. In 1 day 82 post agad nagawa ko wahaha.. Nakita ko na din yung iba sa kanila har har har.. Another peyupi? Nope sa palagay ko mas ok ito.
Ewan pero at ease ako sa kanila eh.. Saka higit sa lahat may shoutbox! woohoo! Pwede makachat ang mga members na online. Nakatagpo ako ng bagong kaibigan.. Walang "stupid fucking ass"
Well so much for now!
Ano nga ba ang pilosopiya natin sa buhay? Binabase ba natin ito sa kung ano ang nababasa natin, kung ano ang isinusubo sa atin ng lipunan? Ako hindi. Dahil may sarili akong pag iisip. Kaya kong magdesisyon para sa sarili ko. Hindi ko sasabihin na "ganito ganyan kasi nabasa ko sa isang libro at akma ito para sa akin."
Ayaw kong gumaya sa ilan na ang buong buhay ay nakabase sa kung ano ang palagay ng ibang tao na tama. Come what may? Pwede, pero tumatanggap ako ng "what if". Realistic akong tao pero may pagka futuristic haha.
Come what may, kung mamatay ako pagkatapos ko ma click ang publish post button sa ibaba walang problema dun. What if kung mangyari nga? Handa bang tanggapin ng mga mahal ko sa buhay na wala na ako? May sapat ba silang panggastos para sa burol ko, sa libing ko? Kaya para sa akin kalokohan ang sabihin mo na hindi ka tumatanggap ng "what if". Pwede siguro na iba ang pagkakasabi.
Kung mabubuhay lang ako para maging masaya, pangit ata yun. Imagine this situation. Lahat ng tao sa mundo ay nabubuhay para maging masaya. Sa palagay niyo ba wala silang naapakan? O sige paliitin natin, mas maging makatotohanan tayo. Sa palagay niyo ba sa paghahangad niyo na mabuhay ng masaya, wala ba kayong natapakan or nasaktan kahit minsan? Madali bang humingi ng paumanhin? Kung madali lang ito mawawalan ng sense ang salitang "Sorry".
Pagsisisi.. nasa bokabularyo ko yan. Kayo? Pwede sigurong wala yung mismong salita, pero baka may kasing kahulugan haha..
wala lang.. napag isip lang ako ng kaunte