Thursday, October 25, 2007

A reason to be Proud




Oct 20 2007. Lumaban ang bunso kong kapatid sa "String Attack" isang battle of the bands malapit sa amin. Never ko pang makitang magperform ang kapatid ko na electric guitar ang hawak niya. Acoustic guitar pa lang.Biniro ko pa siya na electric guitar ang makukuha niya pag nagchampion sila. Napangiti na lang siya tapos sabi niya sa akin "Ihanda mo na credit card mo"

Bago ako umalis nung friday eh naholdap pa ako ng pang entrance niya saka pamasahe, sabay sabi ng "'tol yung gitara ko sa december ha.." Ngiti na lang ako sabay alis. Lumipas ang mga araw, di kami nakapagkwentuhan. Kahapon nagkaroon kami ng oras para makapag kwentuhan. "tol ang credit card mo ihanda mo na" sabay pakita ng pruweba. Nag champion nga sila, tinalo nila ang kinakatakutang banda sa skul nila, nanalo sila kahit remake lang ng Down with a Sickness at Mr. Clay ang ginawa nila, tinalo nila ang isang dosenang banda na may sariling komposisyon. May bonus pa ang mokong, siya ang napiling "Best Rhythm Guitarist" ng gabing yon. Nakakapanibago kasi alam ko lead guitar ang hawak niya, pero ok na din, champion na may citation pa hahaha. The best ka 'tol, pagpatuloy mo lang yan!




No comments:

Blog Archive