Tuesday, March 21, 2006







Brownout!

It was almost 2200H..when suddenly the lights went out...

Biglang nagdilim ang buong paligid..kasunod nun ang sigawan ng mga babae sa paligid ko..bigla akong hindi nakakilos, gamit ang ilaw ng aking cellphone ginabayan ko ang mga kasama kong babae..Gustuhin ko mang puntahan ang isa pa naming kasamahan sa kanyang kinalalagyan ay di ko magawa...dahil sa tindi ng pagkakakapit sa akin ng aking katabi.."Si ano nasan na?" , tanong ko sa sarili ko.Tili ng natatakot, tawa ng nagpipilit kumalma. Halos sampung minuto na ganun ang sitwasyon..Lumapit ako sa pinto para i-lock sana ngunit mas tumitindi ang sigawan kapag napapalayo ako sa kanila.Pito kaming nasa loob ng napakadilim na silid.At ako lang ang nag-iisang lalake. 5 babae na natataranta at isang kalmado..sabi ko sa sarili ko buti naman at hindi na siya dumagdag pa.Lumabas kami sumandali ng kwarto,nag isip kung ano ang gagawin.Tama nga ba na lumabas muna at antayin na magbalik ang liwanag??Ngunit paano kung matagalan pa ito??Napagpasyahang lisanin na ang madilim na silid.Sa pagpasok naming muli ay nagbalik ang sigawan.. "Para nga akong tae na sinusundan ng mga langaw" kinuha nila ang kanilang mga gamit.Sinamahan ko si ******* na ayusin ang gamit niya. Miss ko na itong nilalang na ito, siya na matapos kong makitang muli ay muntik na namang mawala sa paningin ko. Inalalayan sa paglabas ng madilim na kwarto..Hanggang makalabas ng gusali ay hindi ko sila pinabayaan..pero may isang tanong na namuo sa aking isipan..

"Sino nga ba ang mas matimbang.Ang nakaraan o ang kasalukuyan??"

No comments:

Blog Archive