Dito ko nagawa ang tula ko na "At starbucks" halos 2 taon na ang nakalipas.
Parang drugs lang, nakaka adik, hindi ko inaasahan na ang ibang miyembro ng peyupi.com ay magiging tambayan ang lugar na ito. Lalo na ng mga miyembro na nasa media.Yun nga siguro ang pinakadahilan kaya madali para sa amin ang magkasundo sundo. Iisa ang klase ng trabaho namin ang "MEDIA".
Nung wala pang "Timog" halos araw araw kami sa gazeebo. Dati nagsimula sa dalawa , naging tatlo, hanggang sa dumami na, di ko napapansin, ito'y nasa sistema ko na, mahirap ng balewalain, lalo't napalapit na
Para kasi kaming nakakita ng bagong bahay na pwedeng silungan, at yun ang bubong ng mga kapehan, inuman, at kainan sa Timog. Abutin man ng umaga di, nakakaramdam ng pagod. The best way to relax
Timog... daming memories. sa nakalipas na buwan madaming beses nag umpukan ang ibang miyembro dito. May bagong nakilala, may mga aral na natutunan,pero higit sa lahat nabuo ang pagkakaibigan na hindi matawaran.
Ayaw ko sanang masanay na andiyan lagi ang mga nakakasama ko sa Timog, kasi mahirap magpaalam, di namin alam kung bukas makalawa ay may aalis na pala. Pero ang hirap eh. Hahanap hanapin mo talaga.
Dayo naman kayo minsan sa Timog :)
Friday, June 01, 2007
nilagay ni myk at 3:46 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment