Saturday, June 09, 2007

Reality: Past Forward sa Nakaraan..


Pasado alas sais na ng umaga... napakabilis ng panahon, ang pinapangarap ko na matagal na samahan ay maari palang hindi matupad. Sana di na lang gumalaw ang petsa sa kalendaryo para mas tumagal pa ang pagsasama namin..

Malungkot.. Hindi.. Sobrang lungkot....

Sabi nila malalaman mo lang kung gaano kahalaga ang isang tao pag wala na sila. Mali pala yun. Nalaman ko na kasi kung gaano sila kahalaga habang kasama ko pa sila, habang nahahawakan ko pa, nakikita at nararamdaman ko ang bawat palo nila sa akin sa tuwing kami ay naghaharutan. Nalaman ko ang kahalagahan nila kasi sila ang bumubuo ng isang parte ng aking pagkatao.

Mas pinahahalagahan ko sila ngayon...

Dapat siguro masanay na ako na wala sila.. iwasan ang mga bagay na nakagawian na kasama sila.. Pero mahirap, sobrang hirap. May magagawa ba ako? Hindi ko alam.. baka sa mga susunod na araw, mamulat ako sa katotohanan na naiwan na pala nila ako..o naiwanan ko na pala sila.. hindi naman natin maiiwasan yun, darating at darating talaga ang panahon na iiwan nila ako o ako ang mang iiwan sa kanila. Pero sana hindi nila ako makalimutan.. sana maalala nila ako gaya ng pag alala ko sa kanila. Naging parte na sila ng buhay ko. May espesyal na espasyo na nakalaan para sa kanila.

Sa tuwing sumasagi ito sa isipan ko, di ko maiwasan ang pag patak ng aking luha....

Maswerte ako at nakilala ko sila, nakasalamuha, nakasama sa napakaraming kwentuhan, tawanan, kalokohan, kapehan, inuman. Pero higit sa lahat napaka swerte ko dahil naging kaibigan ko sila.

No comments:

Blog Archive