Tuesday, June 12, 2007

Mahirap Iwasan Ang Nakasanayan

Hep hep hindi bisyo ang tinutukoy ko..

Kahit anong bagay na nakasanayan mo ng gawin, kahit anong pagkain na nakasanayan mo ng kainin, kahit sinong tao na nakasanayan mo ng kasama ay mahirap iwasan.

Ito ay opinyon ko.

Parte na sila ng sistema ko, parte na ng pang araw araw na buhay ko. Hindi kumpleto ang araw ko pag may isang bagay akong hindi nagawa, pagkain na hindi nakain, o tao na hindi ko nakita.

Pero mas mahirap kung yung nakasanayan mo na ay andiyan lang sa harap mo pero hindi mo makamit......

Tipong andiyan ang kaibigan mo na lagi mo kadaldalan, kasabwat sa bawat kalokohan, sparring partner kung baga pero hindi mo pwedeng kausapin.

Hirap ng ganung sitwasyon no. Oo nga at wala pa ang kaibigan mo nung inire ka ng iyong mahal na ina sa mundong ibabaw, na iilang buwan pa lang simula nung naging close kayo. Pero sapat ba yun upang di ka masaktan?

Aba mahirap magpanggap.. mahirap magpanggap na masaya ka kahit hindi... mahirap maging doble kara pagdating sa nararamdaman. Masaya pagkaharap ang ibang tao, pero sa loob mo sobrang lungkot mo. Ika nga ng isang kanta "Pag may problema ka. Magsuot ng maskara." haha kailangan ko ata ng maskara ngayon. Pwede bang pahiram ng maskarang doble kara :)

No comments:

Blog Archive